Friday, April 06, 2012

Pagninilay

Ginugunita natin ang mahal na araw ngunit natanong na ba natin; bakit nga ba “mahal na araw” ang tawag natin dito?          


         Ayon sa isang tabloid article, "Oo nga’t tunay na “mahal” ang mga araw na ito. Mahal sapagkat matindi ang ginastos kung baga ng Panginoong Diyos dito, alang-alang sa ating kaligtasan mula sa kasalanan. At ito’y walang iba kundi ang dakilang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni JesuKristo: ang mabigat na sakripisyo Niya, na siyang pinambayad bilang katubusan natin mula sa kasalanan." 
Libre, Inquirer MONDAY, 29 2010

"Gayon na lamang..." ang pamungad naman ng biblia ukol sa pag-ibig ng Dios para sa atin. Grabe, sobrang mahal tayo ng Dios!

Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 
John 3:16

         Uso na naman po ang mga penitensya at mga alay-lakad (yung tipong mula Crossing, Edsa hanggang Antipolo at pag-uwi’y nag-rereklamong masakit ang mga binti). Narinig ko pa sa isang kabataan kagabi, “sasakay muna ako papuntang Crossing ‘tas lalakarin ko na lang mula roon.”  Naalala ko pa noong nag-aalay pa ko ng lakad kasama ng mga kabarkada, naka-paa talaga ang karamihan. Kasi ngayon, OA na ata ‘pag nakapaa, baka isipin nila masyadong malaki ang mga kasalanan mo.

          Marami pa po tayong alam na mga kaparaan ng pakikisimpatya sa paghihirap ni Hesus, gaya ng pagpapagutom(habang may “caridad”), hindi pagligo(sa iba extreme na ito). Di pag-lalasing? Pagbibigay ng limos-mahal na araw lang po ba? Di pagkain ng karne? Pag-iwas sa mga paglabas-labas. Maraming bawal dahil patay ang Dios???
Patunay lamang na tayong mga Pilipino ay maraming paniniwala’t tradisyon maging ang salitang "mahal na araw". 


         Sinabi ni Hesus, “Sa ganitong paraa’y niwawalang-kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga turong minana ninyo. At marami pang bagay na tulad nito ang ginagawa ninyo.”  Mark 7:13
  
Ito ba’y nagbibigay kaluguran sa Dios?

        Mayroon din namang hinahampas ang sarili at nagpapa-pako sa krus as a way of chastisement. Ang pinagkaibahan nga lang po, may alcohol at alaxan sila dahil hindi sila puede mamatay – walang  ikatlong araw na pagkabuhay ang pagpapakamatay. Dios lamang ang makagagawa ng pagkabuhay ng mag-uli, sapagkat sa kanya’y hindi makapananaig ang kamatayan(Acts 2:24). Ang sagot pa ng ilan kapag tinanong mo kung bakit nila ‘yon ginagawa? “para mabawasan ang kasalanan!” What??? Pambawas pa lang yon?
Truth is; Hindi kayang bayaran ninuman ang kanyang sarili kasalanan.
  
Si Hesus ang Kordero ng Dios.
  
        Sinabi mismo ni Hesus, “Sapagkat ito ang dugo ng tipan, ang aking dugo na mabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Matthew 26:28

        “Tinubos tayo ni Cristo sa sumpa ng Kautusan nang siya’y magdusa na parang isang sinumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan, “Sinumpa ang bawat ibinitin sa punongkahoy.” Gal 3:13
Hindi ba natin alam na tayo isinumpa dahil sa ating mga kasalanan at sa krus na iyon nabuhos ang galit ng Diyos sa ating nga pagsalangsang. We were cursed because of our sins but Christ redeemed us when he was cursed and crushed for us. We’re not supposed to imitate his suffering because it is not a sympathy it’s a mockery. How would Jesus feel if we, the very reason for his suffering, would make ourselves suffer from a do-it-yourself punishment? Knowing that what he did is for the total forgiveness of sins! “It is done!” Jesus said!

        If we truly believed that God loves us we would never do such things. Sinong Ama ang gusto makita na ang anak niya’y pinarurusahan ang sarili para lang maipakita ang simpatya o pagsisi gayong ang tunay na pagsisisi ay pagtalikod sa kasalanan.
Ang kaniyang anak na si Hesus ang nabayubay sa krus hindi upang tayo’y mapahamak kundi magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan sa ating pagsampalataya sa kanya.

        Kung tatangagapin mo ang kaniyang walang hanggang pag-ibig ngayong araw na ito, hindi mo lamang ginugunita ang kanyang paghihirap sa krus, tinatanggap mo na rin ang kaligtasan pinaghirapan ni Hesus para sa atin.

No comments:

Post a Comment